Posibleng umabot ng hanggang tatlong araw ang conclave o ang pagpili sa susunod na Santo Papa.
Ito ayon kay Salvadoran Cardinal Gregorio Rosa Chavez kung saan inaasahang magiging mabilis ang proseso ng pagpili sa bagong lider ng Simbahang Katolika.
Samantala, mahigit sa 100 cardinal electors naman ang inaasahang lalahok sa closed-door voting na karaniwang ginagawa sa Sistine Chapel sa Vatican.
Ang nasabing mga Cardinal Electors ay pawang may edad na mas mababa sa 80-anyos at may karapatang makaboto para ma-appoint ang bagong santo papa.—sa panulat ni Jasper Barleta