Umaasa si outgoing Department of Education Secretary na si Leonor Briones na maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programang sinimulan na ng ahensya.
Ayon kay Briones, karapatan ni Vice President-elect incoming DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na magtalaga ng miyembro ng kaniyang official family.
Pero, umaasa si Briones na magtutuloy-tuloy ang mga programa ng ahensya gaya ng Alternative Learning System and Last Mile Schools Program na suportado rin naman ng kaniyang ama na si outgoing President Rodrigo Duterte.
Inihayag din ng kalihim na dalawang beses nang nagpaabot ng kagustuhan si Duterte para pag-usapan ang tungkol sa gagawing transition pero natatapat ito sa petsang may mahalagang dadaluhan pulong si Briones.
Pero posibleng umusad ang transition sakaling matapos na ang oath taking ni Duterte.
Nilinaw rin ni Briones na handa na siyang bumaba sa kaniyang pwesto pero hindi pa ito ang panahon ng pagre-retiro dahil lagi siyang handa na ibahagi ang kaniyang karanasan sa government service sakaling may magtanong tungkol dito.