Bawal nang magbitbit ng mga kasambahay ang mga diplomatic officer sa kani-kanilang overseas post.
Ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. kasunod nang tuluyang pagsibak kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro matapos mang maltrato ng kanyang kasambahay.
Sinabi ni Locsin na dapat na ngayong mag-apply o maghanap sa POEA ng mga uubrang maging kasambahay ng diplomatic officers.