Nanawagan sa gobyerno si Senator Christopher “Bong” Go, na tugunan ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa merkado sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Go, mahalaga para sa mga tsuper ang bawat piso na nababawas umano sa kanilang kita, dahil sa pabago-bagong presyo nito sa international market bunsod parin ng Russia-Ukraine War at planong pagbabawas sa kada bariles ng langis ng mga OPEC Countries.
Sinabi ni Go, na maging ang mga commuters ay nahihirapan na rin sa pagbudget bunsod ng mataas na presyo ng langis kaya dapat na tugunan ng gobyerno ang naturang isyu.
Iginiit ni Go, na kailangang ma-amyendahan ang mga batas tulad ng exemption sa excise tax sa langis upang maiwasan ang pagsirit ng presyo nito at maibsan ang pasanin ng mga driver at commuter mula sa epekto ng mataas na halaga ng petroleum products.