Target ng Department of Energy na makapagtayo ng humigit-kumulang pitong libong charging stations para sa mga electric vehicle sa buong bansa, kasabay ng patuloy na pagdami ng gumagamit ng naturang uri ng sasakyan.
Ayon sa DOE, umabot na sa 1,100 ang naitatayong charging stations sa ngayon. Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na hikayatin ang paggamit ng e-vehicles na mas matipid at mas makabubuti sa kalikasan.
Sa ilalim ng Charging Infrastructure Development Plan, bumuo ang Energy Department ng komprehensibong road map para sa EV industry.
Nakapaloob dito ang opsyon para sa mga charging station providers na magtayo ng renewable energy facilities upang magsilbing pinagkukunan ng kuryente.
Layon ng DOE na pagsapit ng 2032, 25 percent ng charging stations ay gumagamit na ng renewable energy, at maging 100 percent naman pagdating ng 2040.
—Sa panulat ni Jasper Barleta