Isinusulong ni Commission on Higher Education o CHED Officer-In – Charge Prospero ‘Popoy’ De Vera na maisali sa talakayan ng Charter Change o “Cha-Cha” ang lahat ng mga estudyante ng mga state universities and colleges sa buong bansa.
Sinabi ni De Vera na kanyang hihikayatin ang mga SUCs na makilahok sa diskusyon ng Cha- Cha para maipamalas at marinig ang kanilang mga opinyon at kaisipan ukol sa mga nangyayari sa kasalukuyan.
Naniniwala din ang commissioner na sa pamamagitan nito ay maipapabatid sa lahat ng mga Pilipino kung ano ang mga kinakailangan nilang malaman hinggil sa naturang isyu.
Tiniyak din ni De Vera na tutulong ang CHED sa information drive ng pamahalaan hinggil sa naturang hakbang sa isinusulong na pagbabago ng porma ng gobyerno patungo sa pederalismo.