Hindi malabong mayroon nang local transmission ng Delta variant.
Ito’y ayon kay Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert matapos maiulat ang mga lokal na kaso ng Delta variant.
Ani Solante, batay sa datos ng Philippine Genome Center, mayroong mga kaso na walang kaugnayan sa mga papauwing OFW.
Kasalukyan may walong positibo sa Delta variant sa bansa, isa rito ay taga Maynila, apat sa Cagayan De Oro, isa sa Misamis Oriental habang dalawa ang OFW.