Bilang ganap na pagsuporta sa kandidatura ni Mayor Sara Duterte sa pagkabise presidente , iniaalok ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. ang kanyang posisyon dito bilang chairman ng Lakas-CMD.
Ayon kay Senator Revilla, buo ang kanyang tiwala at kumpiyansa sa liderato ni Mayor Sara.
Naniniwala anya siya na mahusay na mapamumunuan ni Sara ang kanilang partido tungko sa tagumpay sa 2022 Elections.
Matatandaang nanumpa kamakailan si Sara bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD kung saan sa ilalim ng partido na ito siya tumatakbo bilang bise presidente. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)