Dapat pag-aralan sa isang siyentipikong pamamaraan ang planong muling pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant.
Ito’y ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto makaraang payagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Energy ang rehabilitasyon ng nasabing pasilidad.
Sinabi ni Recto, kailangang komunsulta ni energy secretary Alfonso Cusi sa mga siyentipiko para sa nasabing hakbang at hindi dahil sa mayruon lamang nag-utos sa kaniyang gawin ito.
Ilan sa mga tanong ni Recto na dapat masagot ay kung hanggang kailan ito pagmumulan ng murang kuryente, magkano ang sasaluhin ng publiko mula sa buwis at kung magkano ang kikitain ng gubyerno sa paggamit nito.
Itinayo ang nasabing planta sa Morong Bataan sa ilalim ng Administrasyong Marcos ngunit hindi pinayagang buksan bunsod ng ilang usaping pangkaligtasan at pangkalikasan.
By: Jaymark Dagala