Umalma ang mga driver ng Grab at Uber sa plano umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na ipagbawal ang pagpasada ng maliliit na kotse.
Sa kanilang pag-uusap, binigyang diin ng Grab at Uber drivers na mahigit isanlibong (1,000) driver ng mga nasabing maliliit na sasakyan ang mawawalan ng hanap buhay kung itutuloy ang naturang plano.
Nagpahayag din ng pagtutol ang Grab at Uber drivers hinggil sa common supply base para sa TNVs sa buong bansa na limitado lamang sa 45,700 units.
Apat napu’t limang libong (45,000) units dito ay para sa Metro Manila, limandaang (500) units sa Metro Cebu at dalawandaang (200) units para sa Pampanga.
Sinabi ni John Lee, Vice President ng Metro Manila Hatchback Community na hindi lamang mawawalan ng trabaho ang mga driver sa naturang hakbang kundi makakaapekto rin ito sa pagtaas ng singil sa pasahe ng Uber at Grab gayundin ang matagal na paghihintay ng publiko para sa TNVs.
—-