Higit sa 30,000 pamilya pa rin ang nasa evacuation areas dahil sa pananalasa ng bagyong Nona.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, sapat ang relief goods at iba pang supplies na binibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Una nang nagpatupad ng preemptive evacuation ang mga lokal na pamahalaan kung saan inilikas ang may 160,000 pamilya.
Patuloy rin ang ginagawang clearing operation sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
“Pati mga daan dito sa lugar ng pa-Northern Samar ay may ilan tayong mga hindi madaanan at 2 daan din dito sa probinsiya ng Catanduanes, tuluy-tuloy naman ang ating clearing operations at medyo bumubuti na ang panahon, baka sakali ngayong araw eh magbukas na yan.” Pahayag ni Marasigan.
By Rianne Briones | Ratsada Balita