Umakyat na sa 140 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 29 na bagong kaso ang Department of Health (DOH), kahapon Marso 15.
Batay sa datos ng DOH, 15 sa mga bagong kaso ang walang travel history at hindi pa tiyak kung nagkaroon ng exposure sa isang may COVID-19.
Kabilang na rito si patient 137 na isang 13 taong gulang na batang babae, taga Quezon City at siyang pinakabata sa mga nahawaan ng virus.
Tatlo naman sa mga bagong kaso ang nagkaroon ng exposure sa infected ng COVID-19.
Habang walo naman ang may travel history kabilang si patient 114 na bumiyahe ng Japan; patient 115 na isang Thai at nanggaling ng Thailand; patient 117 na nagtungo ng Korea at USA; patient 124 na nag-Singapore; patient 125 sa Cambodia.
Gayundin di patient 127 na may travel history sa Japan; patient 128 sa taiwan; patient 130 sa United Kingdom at Qatar; at si patient 131 sa Dubai.