Iginagalang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang anumang magiging kapasyahan ng Korte Suprema.
Ito’y makaraang ibasura ang mga inihaing petisyon ng mga mambabatas na kumukuwestyon sa legalidad ng ikinasang provincial bus ban ng ahensya.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, magpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa mga susunod nilang hakbang.
Magugunitang inihain ang ni Albay Rep. Joey Salceda gayundin ng grupong Bayan Muna at Ako Bicol Partylist laban sa nasabing programa sa paniniwalang labag ito sa passenger bill of rights.
Subalit ibinasura ito ng high tribunal dahil sa nilabag ng mga petitioner ang tinatawag na hierarchy of courts na ang ibig sabihin ay dapat muna itong resolbahin sa mababang Korte bago i-akyat sa Korte Suprema.