Bumaba ang bilang ng mga insidente ng ligaw na bala at illegal na pagpapaputok ng baril nitong nagdaang holiday.
Batay ito sa tala ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan bumaba ng 81% ang insidente ng ligaw na bala nitong Pasko at Bagong Taon.
Habang 44% naman ang ibinaba sa kaso ng iligal na pagpapaputok ng baril.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, iniuugnay nila ang pagbaba sa nabanggit na mga kaso sa ipinatupad na mahigpid na pababantay at pagpapatrolya ng mga pulis sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Aniya, meron lamang silang naitalang tatlong kaso ng stray bullet at walang tinamaan habang nasa 21 naman ang inaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.