Nais ipaglaban ng Department of Health (DOH) ang pagbabawal sa bansa ng paggamit ng electronic cigarettes.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nais ng ahensya na tuluyang i-ban sa Pilipinas ang e-cigarettes dahil wala aniy itong naidudulot na maganda sa kalusugan.
Ani Domingo may isang Senador na hindi niya pinangalanan ang bumubuo na umano ng panukalang magbabawal ng vape o e-cigarretes sa bansa.
Hinihintay na lamang aniya nila ito na ihain sa Senado at tiyak na makakatanggap umano ito ng suporta mula sa ahensya.