Asahan na magiging maaliwalas ang panahon sa bahagi ng Luzon ngunit mararamdaman ang kainitan at maalinsangang panahon pagdating ng tanghali at may mga posibilidad parin ng mga thunder storms pagsapit ng hapon at gabi.
Wala namang inaasahang weather system na posibleng magdulot ng malawakang mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao kayat asahan na magiging maaliwalas ang panahon sa umaga at tanghali pero may mga panandaliang pag-ulan sa hapon at gabi.
Nagpaalala si PAGASA Weather Specialist Ana Clauren na huwag paring kalilimutang magdala ng payong bilang panangga sa matinding sikat ng araw at mga pag-ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:03 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:06 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero