Niluluto na ang muling paghaharap ng itinuturing na mortal na magkaribal sa boxing ring na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa Las Vegas, Nevada.
Pero sa pagkakataong ito, magkakasagupa ang dalawa sa isang charity basketball.
Wala pang inilabas na petsa ng nasabing charity games, ngunit posible umano itong gawin bago ang kaarawan ni Pacquiao sa Disyembre 17.
Batay sa impormasyon kaugnay sa gagawing set-up, bubuo sina Pacquiao at Mayweather ng 10-man team kabilang ang dalawang dating NBA players.