Mahilig ka rin bang mag-diet at iniisip mong alisin na lang ang kanin para mas mapabilis ang pagpayat?
Ayon sa mga nutritionist, ang kanin ay pangunahing pinagkukunan ng carbohydrates na nagbibigay ng enerhiya sa katawan. Kapag bigla itong tinanggal sa diet, maaaring makaramdam ng panghihina, pagkahilo, at pagiging iritable, dahil bumababa ang glucose na ginagamit ng utak at kalamnan.
Kapag tuluyang walang carbohydrate sa diet, maaaring tumaas ang ketones sa dugo, na posibleng magdulot ng fatigue o keto flu.
Dagdag pa rito, maaari ring magkaroon ng nutrient imbalance kung puro protina at taba ang kinakain at kulang sa fiber, vitamins, at minerals.
Ayon sa mga eksperto, hindi kailangang tuluyang alisin ang kanin. Mas mainam na bawasan lang ang dami o palitan ng mas masustansyang uri tulad ng brown rice o red rice.