Tiniyak ng Malakanyang na malabong maulit ang umiral na martial law nuong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa panahon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi katulad dati ay may kapangyarihan na ngayon ang hukuman at Kongreso na ipawalang bisa ang batas militar.
Malinaw aniya sa saligang batas na hindi maaaring isara ang hukuman at Kongreso kahit na may deklarasyon ng martial law.
Maliban dito, sinabi ng kalihim na makailang ulit na ring tiniyak ng pangulo na maliban sa Mindanao ay wala siyang balak na isailalim sa martial law ang buong bansa.