Umapela sa publiko si Vice President Leni Robredo na huwag nang hayaang makabalik sa kapangyarihan ang mga diktador at opisyal na umaabuso sa kapangyarihan.
Ginawa ni Robredo ang apela sa dinaluhan nitong misa para sa kapayapaan sa De La Salle University (DLSU) sa Maynila na bahagi ng pagalala sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Ayon kay Robredo, nasubukan na ng bansa ang kamay na bakal na pamumuno kung saan dumanak aniya ang dugo at nawasak ang mga institusyon.
Binigyang diin ni Robredo na hindi dapat hayaang makalimutan ang mga nagbuwis ng buhay at ang mga taong nagpahirap sa sambayanan nuong panahon ng batas militar.