Sinibak na sa pwesto ang mga hepe ng pulis sa General Santos (GenSan) City at Midsayap, North Cotabato kasunod naging pagsabog sa naturang mga lugar.
Agad itong ipinag-utos ni Philippine National Chief (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde matapos ang pagsabog ng improvised explosive device (IED) nitong weekend.
Walo ang naitalang nasugatan sa pagsabog malapit sa lying in clinic sa Barangay Apopong sa GenSan habang wala naman nasaktan sa pagsabog sa Barangay Poblacion 4 sa Midsayap.