Target ng Department of Transportation o DOTr na makumpleto ang konstruksyon ng MRT-7 sa ika-apat na quarter ng taong 2019.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ito’y matapos magkasundo ang lahat ng stakeholders gaya ng San Miguel Corporation, contractor na South Korean Consortium na Hyundai Rotem at ang EEI Corporation na tutukan ang konstruksyon ng MRT 7.
Ang MRT 7 ay mayroong labing apat (14) na istasyon at may habang 22 kilometro.
Kabilang sa mga istasyon nito ang North Avenue, Quezon City Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.
By Meann Tanbio
MRT-7 construction target matapos sa 2019 was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882