Inilabas ng MRT-3 ang kanilang commercial train schedule ngayong mismong araw ng Pasko, 25 ng Disyembre.
Sa abiso ng MRT-3, alas-6:00 kaninang umaga nagsimulang bumiyahe ang kanilang first train sa North Avenue Station at Taft Avenue Station.
Alas-9:00 ng gabi naman ang last train mula North Avenue, habang alas-10:10 ng gabi ang last train mula naman sa Taft Avenue.
Kasunod nito, ipinaalala ng pamunuan ng MRT-3 na ito rin ang schedule na kanilang ipatutupad sa paparating na bagong taon, aprimero ng Enero, 2021.