Naglunsad ng kilos protesta ang ilang militanteng grupo sa Tacloban City, Leyte bilang panawagan na ibalik na ang “Balangiga Bells.”
Halos isandaang katao ang lumahok sa martsa ng grupong Bayan sa iba’t ibang kalsada sa lungsod habang bitbit ang mga karatula na nananawagan sa pagbabalik ng mga kampanang ninakaw ng mga Amerikanong sundalo matapos ang Balangiga massacre sa Samar, noong Philippine-American War.
Ayon sa mga residente ng Balangiga, matagal ng pakiusap sa Amerika ang pagbabalik ng mga makasaysayang kampana at nagkaroon lamang ng pagasa matapos banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang issue sa kanyang State Of the Nation Address noong Hulyo.
Samantala, kampante naman si U.S. Ambassador Sung Kim na maibabalik na sa Pilipinas ang tatlong kampana na mahigit isandaang taon ng hawak ng Amerika.