Nagpapatuloy umanong magdivest sa DITO-CME Holdings Corp. ang chairman ng Auto Nation Group na si Greg Yu.
Ito’y makaraang mapaulat na nagbenta umano si Yu ng kabuuang P2.312 million shares mula ika-11 ng Agosto hanggang ika-13 ng Agosto sa selling price na mula P3 hanggang P3.20.
Tinatayang P7 million ang naiuwi ni Yu mula sa kanyang divestment at lumiit ang kanyang stake sa P56.368 million shares.
Noong isang buwan, nagbenta rin si Yu ng P16 million na halaga ng kanyang sapi sa DITO sa average na P3.76.
Nangyari ang lahat ng ito bago pa ipinasa ng negosyanteng si Dennis Uy ang kanyang posisyon bilang presidente ng DITO kay dating PLDT executive Ernesto Alberto.
DITO-CME Holdings Corporation ang kompanya na magpapatakbo sa 3rd telco player sa bansa na pinamumunuan ni Uy bilang CEO.
Habang si Yu naman ng Auto Nation ang exclusive distributor ng Mercedes-Benz at American auto brands Chrysler, Dodge, Jeep at Ram sa Filipinas.