Hindi makikipabahagi ang pamilya ng mga Philippine National Police – Special Action Force o PNP – SAF troopers na nasawi sa 2015 Mamasapano incident sa kasong isinampa ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng SAF 44, ay bilang protesta at pagkadismaya sa isinampang kaso sa Sandiganbayan.
Sa halip aniya ay kanilang itutuloy ang paghahanap ng katurangan para sa mga SAF commando na napatay sa Mamasapano.
Magugunitang kinuwestyon nina Pangulong Rodrigo Duterte maging ng kanyang matinding kritiko na si Senador Antonio Trillanes ang malabnaw umanong kaso na Usurpation of Authority na kabilang sa isinampa sa Sandiganbayan ng Ombudsman laban sa dating Pangulo.
Nakatakda namang i-raffle ang kaso upang mabatid kung alin sa pitong dibisyon ng Anti-Graft Court ang hahawak dito.