Umabot na sa lima katao ang nasawi sa 6.3 magnitude ng lindol na yumanig sa Mindanao.
Halos 30 istraktura rin sa Regions 11 at 12 ang nasira sa 6.3 magnitude ng lindol na sumentro sa Tulunan, North Cotabato.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasira ay mga bahay, municipal hall at mga paaralan sa Region 11 at 14 na establishments sa Region 12.
Umabot na rin sa 27 ang bilang ng mga sugatan sa lindol na ngayon ay ginagamot na sa mga ospital.
Hanggang kaninang 10:00 a.m. ay umabot na sa 91 aftershocks ang naitala sa maraming bahagi ng Mindanao.