Bahagyang tumaas ang hospitalization admissions dahil sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) president Dr. Jose De Grano dahil sa mga naitatalang bagong kaso ng sakit.
Pero, manageable aniya ito ay hindi sila gaanong nababahala dahil karamihan sa mga naa-admit ay asymptomatic at hindi malala.
Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 209 new COVID-19 cases.