Binalaan ng OCTA research group ang mga nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine laban sa pagiging kampante.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA, hindi pa kumpleto ang proteksyon kontra COVID-19 ng mga nakatanggap pa lamang ng initial dose ng bakuna.
Bagaman 8% na sa Metro Manila angnakakumpleto na ng bakuna, maliit pa anya ito kumpara sa target na 25 hanggang 30% kaya’t hindi pa napapanahon na magpaka-kampante.
Ipinaliwanag ni David na kahit ang ibang bansa ay may mataas na vaccination rates, nakaranas pa rin sila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Karaniwan anyang nagmumula ang mga bagong kaso sa mga isang beses pa lamang tinurukan at ang mga hindi pa bakunado.
Simula noong Marso, umabot na sa 10 milyon ang binakunahan, kabilang ang 7.53 million fully vaccinated at 2.52 million na tumanggap ng first dose. —sa panulat ni Drew Nacino