Patuloy na bumababa ang bilang ng mga dayuhang dumarating sa bansa.
Batay sa tala ng Bureau of Immigration (BI), 3.5 milyong pasahero lamang ang pumasok sa bansa mula January hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.
Higit na mababa ito kumpara sa 13 milyong arrivals ng pasahero na naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Ayon sa immigration inaasahan na nila ang pagbaba ng bilang ng dayuhang pasahero na dumarating sa bansa dahil sa travel restrictions na ipinatupad ng gobyerno ng gayundin ng iba pang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.