Suspendido ang pang-hapong operasyon ng lahat ng consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila kabilang ang kanilang tanggapan sa Aseana Parañaque City, ngayong araw.
Sa abiso ng DFA, hanggang 12:00 lamang ng tanghali ang operasyon ng mga nabanggit nilang tanggapan na may kinalaman sa pagpoproseso ng mga pasaporte para magbigay daan sa training ng kanilang mga kawani.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga passport applicant na may kumpirmadong appointment pero hindi na maa-accommodate ngayong araw na maaaring magkapag-avail ng serbisyo mula sa Lunes hanggang January 2, 2020.
Magbabalik naman ang regular operatons at serbisyo ng kanilang mga consular offices sa Lunes, December 9.
Samantala, walang ring operasyon ang DFA Consular Office sa Pampanga bukas, December 7, dahil sa nakatakdang official activities at magbabalik operasyon na sa Lunes.