Natuklasan na nahaharap umano si Mayor Abby Binay sa Senado sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil sa pumalpak na Makati Subway Project at pagkandado ng pasilidad 10 EMBO barangay na ibinigay ng Supreme Court sa Taguig City.
Sinasabing unang kakaharapin ni Binay ang kasong paghahabol ng Philippine InfraDev Holdings Inc., contractor ng pumalpak na $3.5 bilyong Makati Subway Project na nagsampa ng arbitration proceedings sa Singapore International Arbitration.
Hiniling kasi ng Infradev sa international arbitration na ibalik ng Makati ang nagastos nitong P44 bilyon sa Makati City Subway Project na nahinto dahil naging “unfeasible” ang proyekto sanhi ng desisyon ng Supreme Court sa jurisdiction ng 10 enlisted men’s barrios o EMBOS.
“Continuing with the Makati City Subway Project under the joint venture agreement with the city government was rendered no longer economically and operationally feasible due primarily to the Supreme Court’s decision declaring some subway stations and depot to be under the jurisdiction of Taguig,” ayon sa Infradev.
“Arbitration proceedings have thus commenced with the Singapore International Arbitration Centre to enable an impartial resolution of the agreement with Makati,” dagdag nito.
Ayon sa auditor ng kompanya, PwC, nalugi ang InfraDev ng P44 bilyon sa proyekto – P39 bilyon sa pagbili ng 8, 413 ektarya ng lupain nitong 2024 na ngayon nasa hurisdiksyon ng Taguig City at P5 bilyon sa development cost tulad ng architectural design at master planning ng subway.
Kasabay nito, naghain naman ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman sina Emilyn Borromeo Cacho at Joahanna Gallardo Junio laban kay Mayor Abby Binay sa pagsasara ng mga pasilidad sa 10 EMBO barangay kahit legal na napasakamay ito ng Taguig City.
Sa kasong inihain nina Cacho at Junio sa Ombudsman, nilabag umano ni Abby Binay ang Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019, Section 4 ng Republic Act No. 6713, Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, at Article 231 ng Revised Penal Code.
Residente si Cacho ng Barangay South Cembo, Taguig City at si Junio naman sa Barangay East Rembo sa naturang lungsod na nagreklamo dahil hindi nila nagamit ang pasilidad na
“The health centers and clinics, day care centers, multi-purpose facilities, and sports and recreation centers, all essential and indispensable for the delivery of basic services for the EMBOs, were unlawfully shut down upon the malicious and whimsical order of respondent Binay-Campos,” ayon sa kasong isinumite sa Ombudsman.
Pagsisiwalat ni Cacho, hindi siya nakapagpagamot sa health center sa Barangay South Cembo dahil isinara ni Abby Binay kaya nabigo siyang makakuha ng maintenance medication.
“When respondent Binay-Campos arbitrarily ordered the closure of the health center in Barangay South Cembo, Taguig, she went for months without taking her maintenance medication as she could not travel far on account of her dire health condition,” giit ni Cacho.
Iginiit naman ni Juino na isa siyang cancer survivor na hindi umano nakagamit ng mga pasilidad ng East Cembo dahil isinara ni Abby Binay kabilang ang ilang vulnerable sector tulad ng senior citizen, buntis, persons with disabilities at sinumang may problemang pinansyal na lubhang apektado ng illegal na pagkilos ng alkalde.
“Respondent should not have closed and /or controlled the government offices and facilities, especially the East Rembo Health Center and Ospital ng Makati (OsMak), since they are constructed for the use of EMBO residents, using the taxes of the people therein,” giit ni Junio.
“In view of the foregoing, complainants pray that the Honorable Office: (a) preventively suspend respondent Binay-Campos; (b) find her administratively guilty of violating RA 6713 and committing grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service and impose the appropriate penalties; and (c) find probable cause for violating Sec. 3e of RA 3019 and Art. 231 of the Revised Penal Code and thus indicting her in court,” ayon sa reklamo.