Aarangkada na simula ngayong araw ang nilulutong Nationwide Mass Walkouts ng mga health workers dulot ng naiipit nilang mga benepisyo mula sa gobyerno.
Ayon kay alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza, ang malawakang pagkilos ay kasunod ng protest actions nila noong nakaraang linggo sa Jose Reyes Memorial Medical Center, Philippine General Hospital, Tondo Medical Center at National Center for Mental Health.
Magsisimula aniya ang mass protest bandang alas-9 ng umaga na lalahukan ng sampung pribadong ospital, kabilang ang Chinese General Hospital sa Maynila.