Handa na ang Department of Migrant Workers para sa mass evacuation ng mga Overseas Filipinos sa Israel.
Sa gitna ito ng tumitinding bakbakan ng Iran at Israel na nagresulta na sa pagkamatay ng mahigit dalawandaan katao simula noong Biyernes.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, maingat nilang tinatansa ang sitwasyon kabilang ang air space para makarating sa tamang tiyempo.
Hinimok naman ng kalihim ang mga pamilya sa Pilipinas na i-check ang kanilang mga kamag-anak sa israel sa pamamagitan ng DMW hotlines.
May inorganisa anyang help desk na may hotlines na naka-post online simula pa noong June 14 o isang araw matapos maglunsad ng missile at airstrikes ang Israel sa Iran.
Aabot sa tatlumpung libong Pilipino ang naninirahan o nagtatrabaho sa Israel habang tatlumpu lamang sa Iran.