Kumpiyansa ang Department of Transportation na kakayaning matapos ang Edsa rebuild project sa loob lamang ng kalahating taon.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkuha ng contractor na may karanasan na sa modernong teknolohiya.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, nakita na niya ang mga proposal mula sa ilang contractor simula nang bigyan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department Of Public Works and Highways ng isang buwan para planuhing maigi ang rehabilitasyon.
Kailangan anyang pumili ng makabagong teknolohiya at hindi na pwede ang dating ginagawa na conventional na paraan o construction methodology.
Magsisimula sana ngayong buwan ang Edsa rehabilitation subalit umani ito ng batikos sa publiko, partikular ang odd-even scheme na maglilimita sa mga motorist na dumaan sa Edsa.