Kagaya ng inaasahan, sinalubong ng mga karaniwang problema ang ilang paaralan, lalo sa Metro Manila ngayong unang araw ng balik-eskwela.
Halimbawa na lamang nito sa President Corazon Aquino Elementary School (PCAES) isa sa mga may pinaka-malaking populasyon ng mga mag-aaral sa Quezon City.
Ayon kay PCAES Principal Gerry Isip, nasa walong libo limandaang estudyante ang nag-enroll para sa academic year 2025–2026.
Gayunman, nananatili anyang hamon ang espasyo partikular sa mga silid-aralan ng grades 1 hanggang 3, na mayroong 35 hanggang 38 mag-aaral bawat section.
Para mapangasiwaan ang volume ng mga estudyante, kailangang magpatupad ng morning at afternoon class shifts.
Umaasa naman si Isip na makapagpapatayo pa ng karagdagang mga gusali upang ma-decongest ang bilang ng mga mag-aaral kada classroom.