Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hamon ang pagtaas ng satisfaction rating ng kanyang administrasyon.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag kasunod ng inilibas na ulat ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 62% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng kasalukuyang administrasyon para sa ikalawang quarter ng taon.
Ayon sa pangulo, bagama’t natutuwa siya sa positibong pananaw ng mga Pilipino kaugnay sa pagsisikap ng kanyang administrasyon, tinitignan niya ito bilang hamon na mas pagbutihin ang trabaho.
Pagtitiyak niya, mananatiling nakatutok ang pamahalaan sa paglilingkod at pagtupad sa kanilang mga pangako sa publiko.
Pagtutuunan din aniya ng pansin ng administrasyong Marcos ang paghahatid ng tunay at epektibong serbisyo upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.