Mariing itinanggi ng Presidential Communications Office na may kinalaman si First Lady Liza Araneta-Marcos sa naganap na karahasan sa Maynila sa gitna ng mga kilos-protesta.
Ayon kay Palace Press Office Usec. Claire Castro, kasinungalingan ang mga paratang at hindi dapat ipahid sa First Lady ang mga gawaing kriminal ng ilang indibidwal at grupo.
Ipinunto ni Atty. Castro na si dating Ilocos Sur governor at Duterte supporter Chavit Singson ang sinasabing nag-udyok sa ilang kabataan na tumayo at manguna sa tinaguriang rebolusyon laban sa pamahalaan.
Dagdag pa ng opisyal, mahalagang tanungin kung sino ang may kasaysayan ng pagpatay, pananakit, at pagtangkang gibain ang gobyerno.
Binigyang-diin din ni Usec. Castro na may mga personalidad na nakitang nasa Mendiola na nakasuot ng itim kasama ang kanilang mga tagasuporta.
Kinuwestiyon din ni Atty. Castro ang motibo ng mga grupong ito na tila aniya’y nililigtas lamang ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbabaliktad ng isyu at paninisi sa iba.