Sumadsad na sa siyam ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Taguig City.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ito’y dahil gumaling na ang 8,953 na pasyente mula sa 8,879 na kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa kanilang lungsod.
Dahil dito, sinabi ni Cayetano na ang kanilang siyudad na ang may pinakamababang active cases sa National Capital Region (NCR).
Samantala, nasa 65 naman ang death toll sa Taguig.