Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sarado pa rin ang nasa 52 national roads sa pitong rehiyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, hindi madadanan ang ilang major highways bunsod ng landslide, mudflow, bumagsak na puno at baha.
Aniya, karamihan sa mga kalsadang ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), sinundan ng Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Calabarzon, Ilocos Region at Eastern Visayas.
Nag-deploy na rin ang DPWH ng manpower at equipment kaya’t inaasahang mabubuksan na muli sa mga motorista ang mga apektadong lugar bukas, ika-14 ng Nobyembre.