Pinatawan ng hanggang 23 taong pagkakabilanggo ang isang babaeng sex trafficker sa Iligan City.
Ito’y matapos maghain ng guilty plea o umamin sa pagkakasala ang hindi pinangalanang akusado sa kasong may kaugnayan sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).
Ayon sa dokumento mula sa korte na inilabas ng International Justice Mission (IJM), inamin ng babae na may kinalaman siya sa pang-aabuso sa limang babae kung saan pinag-perform ang mga ito ng sexual acts sa pamamagitan ng online platforms.
Maliban dito, napatunayan din ng korte na guilty ang nasabing akusado sa mga kasong paglabag sa Anti-Child Pornography Act at Cybercrime Prevention Act.