Pumalo na sa 1,162 ang bilang ng mga pampublikong paaralan ang nasira ng bagyong Paeng sa Western Visayas.
Kabilang ang Western Visayas sa apat na rehiyong isinailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa state of calamity kung saan, ang probinsya ng Antique ang pinaka-napuruhan.
Sa naturang lalawigan pa lamang, umabot sa 534 public school buildings ang nawasak o napinsala.
Inanunsiyo naman ni Governor Rhodora Cadiao na suspendido ang klase sa Antique hanggang ngayong araw at sa Lunes inaasahang ang pagbubukas ng mga paaralan.
Samantala, mahigit 400 pampublikong paaralan ang nasira sa Aklan, 100 sa Negros Occidental, nasa 60 sa Capiz, mahigit 30 sa Iloilo, anim sa Iloilo City at isa sa Roxas City. —sa panulat ni Hannah Oledan