Mas pinalakas pa ng International Criminal Court ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magsumite ng mga karadagan pang ebidensya.
Kinumpirma mismo ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang ang pagpasa ng ika-labing isang batch ng ebidensya na naglalaman ng mahigit isanlibong items sa ilalim ng iba’t ibang katergorya.
Kabilang dito ang The Davao Death Squad murder, barangay clearance operations, high-value targets, modes of liability, contextual elements at iba pa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte dahil sa kasong crimes against humanity dulot ng kanyang pagpapatupad ng war on drug campaign noong kaniyang administrasyon. - sa panulat ni John Riz Calata