Hindi pa mabatid kung may kaugnayan ang magkasunod na pambobomba sa Jolo, Sulu sa plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.
Ito ang nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon matapos ang mga pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral na ikinasawi na ng nasa 18 katao.
Ayon kay Esperon, malinaw na mga grupong humadlang sa pananaig ng kapayapaan sa Mindanao ang nasa likod ng pambobomba.
Pawang “mass murderer at kriminal” anya ang mga nagtanim ng bomba sa kalagitnaan ng misa sa naturang simbahan.
Tiniyak din ni Esperon na hindi nila hahayaang masayang ang pagpupursige ng mga mamamayan ng Mindanao makamit ang kapayapaan.
(with report from Jaymark Dagala)