Alam mo ba na ayon sa mga eksperto, mataas ang panganib ng mga taong hindi nag-e-ehersisyo sa sakit sa puso, diabetes, obesity, at pananakit ng likod.
Kapag matagal na nakaupo, bumabagal ang metabolism ng tao kaya’t mas mahirap magsunog ng calories.
Kaya naman payo ng mga eksperto, tumayo o maglakad kada isang oras, mag-inat sa mesa, o gumamit ng standing desk.
At kung maaari, maglaan ng tatlumpung minutong ehersisyo kada araw para mapanatili ang malusog na puso at katawan.
Kahit abala sa trabaho, huwag kalimutang kumilos!
—Sa panulat ni Jem Arguel