Pinalalantad na ng LTO-NCR ang driver ng SUV na sangkot sa pag hit and run sa isang guwardya sa Mandaluyong City.
Kasunod na rin ito nang inisyung show cause order ng LTO-NCR para sa itinakdang hearing sa kaso bukas, June 7.
Ayon kay LTO-NCR Director Atty. Clarence Guinto, umaasa silang lalantad ang driver at may-ari ng nasabing SUV sa pagdinig para malaman ang buong istorya sa insidente.
Ang biktimang si Christian Joseph Floralde ay naka-confine pa sa ospital matapos ma-hit and run ng naturang SUV habang nagmamando ng trapiko.
Tinukoy ng Mandaluyong Police ang isang puting Toyota RAV 4 na may plakang NCO 3781 na sangkot sa naturang hit and run incident.