Magpapatupad ng taas presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw na ito.
Maglalaro sa P1.50 hanggang P2 ang umento sa kada kilo ng LPG o katumbas ng P16.50 hanggang P22 para sa 11 kilogram na tangke ng LPG.
Ayon sa LPG Industry Expert na si Jun Golingay, posibleng tumaas pa ang presyo LPG sa mga susunod na buwan dahil sa kakaunti lamang ang suplay bagama’t napakataas naman ng demand para rito.
Batay sa monitoring ng DWIZ, tumaas sa 30 hanggang 35 dolyar kada metriko tonelada ng contract price ng LPG para sa April delivery.
Sa kabuuan, malaki na ang ibinaba ng contract price ng LPG na umabot na sa 162 dollars kada metriko tonelada mula Disyembre noong isang taon hanggang sa kasalukuyan.
By Jaymark Dagala