Tinawag na desperado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtawag na peke ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) sa ulat na umabot na sa 4,000 rebelde ang nagbalik pamahalaan.
Ayon kay Lorenzana, ipinahihiwatig lamang ng nito na nahihirapan at nawawalan na ng pag-asa ang CPP na solusyunan ang kanilang kinahaharap na suliranin dulot ng mabilis na pagbaba ng bilang ng kanilang mga tauhan.
Iginiit pa ni Lorenzana, hindi maituturing na peke ang pagsuko ng ilang matataas na opisyal ng CPP-NPA tulad ng dating regional secretary ng Far South Mindanao, Regional Commanders ng Northern Mindanao at Surigao, gayundin ang Secretary at iba pang lider ng rebelde sa Davao.
Dagdag pa ng kalihim, dapat ay humingi ng tawad ang CPP-NPA sa taumbayan dahil sa kanilang ginagawang panloloko lalu’t marami na sa mga miyembro nito ang nakapagtantong wala nang ipinalalabag ideyolohiya ang grupo.
Batay sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sumampa na sa mahigit 4,000 ang bilang ng mga nagsisukong NPA members simula Enero 1 hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
—-