Nananawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga magulang at guro na tulungan ang kabataan na palawakin ang kanilang pang-unawa upang mabatid ang mga fake news mula sa mga lehitimong impormasyon sa social media.
Ayon kay Villegas, kung magkakaroon ng malawak na pang-unawa ang bawat isa lalo ang mga kabataan sa halip na manghusga agad ay maiiwasan ang pagkalat ng fake news o mga maling impormasyon.
Hindi naman anya kailangang maging Kristyano para matukoy kung ano ang mali sa tama.
Ipinunto ni Villegas, dating Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na noon pang panahon ni Hesu Kristo ay mayroon ng “fake news” gaya ng pagpapakalat ng mga maling balita ng mga Pariseyo laban kay Jesus.