Patay ang 17 anyos na estudyante sa Guinayangan, Quezon matapos masuntok sa lalamunan ng kaniyang kaklase.
Kinilala ng Guinayangan Police ang suspek na si Warren De Guzman, 19 anyos at kaklase ng biktima sa Guinayangan Senior High School.
Batay sa imbestigasyon, pagkatapos grumaduate ay nagkayayaang mag-overnight swimming ang mga mag-aaral sa isang resort sa Barangay Dancalan noong Martes.
Pero nang paalis na ang grupo kahapon, ginising na ng biktima si De Guzman na lasing at natutulog pa sa isang cottage.
Naalimpungatan pa ang suspekĀ kaya sinuntok nang isang beses ang biktima saka bumalik sa pagtulog.
Agad namang namutla ang biktima at hinimatay.
Tinangka pa itong isugod sa ospital ng kaniyang mga kaklase pero hindi na ito umabot nang buhay.
Agad namang sinampahan ng kaso sa piskalya ang suspek.